Zeinab Harake kakaiba trip sa 26th birthday

HINDI isa o dalawa o tatlo kundi daan-daan ang wish na makuha ng aktres at social media personality na si Zeinab Harake sa kanyang birthday ngayong taon.

Bago pa mag-isip ang publiko na materyosa siya, nilinaw ni Zeinab na ang tanging gusto niya sa ika-26 kaarawan niya ay bungkos-bungkos ng red roses.

“For my birthday I just want a bunchhhhh of roses and to look pretty, that’s it,” sabi niya.

Kaya ganoon na lang ang pasalamat niya sa birthday photoshoot kung saan napaliligiran siya ng mga bulaklak.

“I’m truly blessed and thankful for all the birthday wishes I received. Thank you everyone mahal ko kayo,” dagdag niya.