IBINUNYAG ni Zanjoe Marudo na naka-survive siya sa Covid-19 noong September 2020.
Chika ni Zanjoe, wala siyang naramdaman na “bad physically” noong tinamaan siya ng virus pero naging “mentally confused” umano siya.
“I was all by myself for 14 days. I had to isolate myself at home. I didn’t really feel anything bad physically, but mentally, I was confused. I couldn’t understand what was happening to me. I felt strong enough to do this or that, but I wasn’t allowed to do so,” kwento niya.
Posibleng nakuha niya ang virus habang nasa trabaho siya, pero nagpasalamat na rin niya na hindi niya kasama ang pamilya sa kanyang bahay kaya hindi niya nahawaan ang mga ito.
Umaasa naman si Zanjoe na mabibigyan ng libreng bakuna ang mga “financially struggling” na mga Pilipino.
“I also hope that the government will be able to provide for those who are struggling financially,” sey niya.
Kamakailan ay gumaling din sa nakamamatay na sakit sina Heaven Paralejo at Angeline Quinto. –A. Mae Rodriguez