Zanjoe Marudo hindi ipagkakait anak sa publiko pero…

WALANG point para sa aktor na si Zanjoe Marudo na isapubliko ang mukha at pangalan ng anak nila ni Ria Atayde.

Sa isang panayam, klinaro ni Zanjoe na hindi naman nila ipagkakait sa publiko ang sanggol.

“Hindi ko iniisip ‘yong face reveal o name reveal. ‘Pag may gustong makita, pinapakita ko, sinasabi ko ‘yong pangalan. Pero hindi naman sa ia-announce ko sa buong… sa online,” ani Zanjoe.

“Kung sino ang may gusto, pinapakita ko naman. Masyado pa siyang bata, masyado pa siyang maliit. Wala pa siyang two months, e. Hindi ko makita ‘yong point kung bakit siya i-expose sa online,” dagdag ng aktor.

Ipinunto rin ni Zanjoe na pinuprotektahan lang nila ang bata sa masasamang elemento na nagkalat sa social media.

“Alam n’yo naman ngayon marami na ring nag-identity theft sa social media, ang dami nang mga fake news. So, huwag na lang,” pahayag niya.

Inilarawan naman ng aktor na bagaman maputi ang bata, hawig niya ito.

‘Yung birthmark namin, parehas na parehas na puwesto, parehas na kulay. ‘Yun dito sa right [arm],” wika niya.