Zanjoe Marudo bet maging congressman?

BUKOD sa pangalan ng bagong silang niyang anak, hinihintay rin ng publiko kung totohanin ng aktor na si Zanjoe Marrudo ang pagsabak sa politika.

Sa “Showbiz Update” vlog, ibinahagi ni Ogie Diaz ang poster ni Zanjoe na ibinibida ang partylist na

ASAP Na o Alyansa Laban sa Substance Abuse Para sa Bagong Pilipinas Natin.

Caption ni Zanjoe: “Lagi mong tatandaan: Walang pagsubok na di mo kayang lagpasan.”

“Tingnan natin ano siyempre hindi naman para husgahan si Zanjoe or kung sino ang nagtulak sa kanya para pumasok sa politics. Lahat naman may karapatan,” ani Ogie.

“Itong ASAP Na partylist hindi pa natin alam kung first nominee ba si Zanjoe o second nominee o third nominee,” dagdag niya.

Si Zanjoe ay bayaw ni Quezon City 1st District Rep. Arjo Atayde.

Habang isinusulat ang balitang ito hindi pa nagpa-file ng kanyang certificate of candidacy si Zanjoe.