Yearly na lang akong buntis – AJ Raval

ITINANGGI ng aktres na si AJ Raval na mayroon silang love child ng boyfriend na si Aljur Abrenica.

Sa panayam ni Julius Babao, sinabi ni AJ na walang katotohanan ang mga balita na kaya siya nawala sa showbiz ay dahil isinilang niya ang panganay nila ni Aljur.

Pahayag ni AJ, tinapos niya ang kanyang pag-aaral kaya nagpahinga siya sa pag-arte.

“Hindi ko siya binigyan ng focus kasi noong nawala ako (sa showbiz) ang saya-saya ko e. Imagine, kahit paano nakapag-graduate ako, nag-ALS ako, natulungan ko ‘yung mga tao sa programa na ‘yon, may na-inspire ako, bakit ako magpopokus sa ganoong bagay?” ani AJ.

“Actually, di ko na siya napansin masyado kasi nasanay na ako sa mga isyu-isyu. Tsaka yearly ako buntis eversince haha,” dagdag niya.