BINARAG ng publiko si Yassi Pressman nang ibandera nito na ang Camarines Sur ang kauna-unahang lugar sa Pilipinas na nakaranas ng snow.
Sa Instagram, shinare ni Yassi ang mga larawan ng ganap sa Christmas program ng provincial government ng CamSur kalakip ang mga sweet moments nila ng boyfriend na si Gov. Luigi Villafuerte.
Makikita sa mga larawan ang pagpaulan ng snow na hudyat sa pagsisimula ng holiday season sa probinsya.
“Snow sa Pilipinas? Only in CamSur,” pagbibida ni Yassi.
“Nagsama-sama po tayo para sa isang gabi na puno ng pagmamahal at sumisimbulo ng pagmamalasakit para sa isat isa. Salamaton ng marhay sa pagdalan nindo at dagos dagos po sana ang pagbibigay natin ng ngiti sa isa’t-isa. Buong buwan po naten icecelebrate ang Pasko — ganyan po tayong mga Pinoy di po ba,” sabi pa ng aktres.
Kinontra naman ng ilang netizens ang deklarasyon ni Yassi.
“Huh Hahahahaha dipa man kayo nakita ko na mga pa sa Baguio.”
“Anong only in CamSur e may ganyan sa Baguio.”
“Baguio started the ‘snow’ long ago not CamSur.”
“Baguio was first.”
“Meron din dito sa La Union.”
“Jusme normal yan sa Pampanga.”