PINAYUHAN ng publiko ang aktres na si Yasmien Kurdi na sampahan ng reklamo ang mga estudyante ng isang exclusive school na nambu-bully sa kanyang anak na si Ayesha at mga magulang na kumukunsinti sa mga ito.
Bago ito, ibinahagi ni Yasmien sa social media ang ginupit-gupit na polaroid photo ng 12-anyos na si Ayesha na natagpuan niya sa mesa ng bata.
“Nadurog ang puso ko nang makita ko ito sa taas ng desk ng anak ko,” aniya.
Hindi naman sinabi ng Kapuso actress kung sino ang gumupit sa larawan.
Ngayong linggo, isinapubliko ni Yasmien ang pambu-bully na nararanasan ni Ayesha sa paraalan kung saan “[she] was blocked from leaving the classroom and was denied her food and recess.”
“In other words, she was ganged up on,” sabi niya.
Sa hiwalay na post, isiniwalat ng aktres na makaraan niyang ibandera ang ukol sa pangyayari ay nagmensahe sa kanya ng “back off” ang magulang ng isa sa mga bully.
Bunsod nito, pinayuhan siya ng mga netizens na kasuhan ang mga bully at mga magulang ng mga ito.
“Please take your daughter out of that school and report the school to Deped and sue them for damages. Dapat masampolan yan.”
“Sue them! May advantage ka kc celeb ka and you have media connections.”
“Yasmin should sue for harassment & emotional abuse. Counted ba to sa VAWC if perpetrators are minors too? Even if the case doesn’t progress, this is the legal way of outing the bullies.”