Yam Concepcion kasal na sa non-showbiz partner

IKINASAL na ang aktres na si Yam Concepcion sa kanyang long-time non-showbiz boyfriend na si Miguel Cuunjieng sa New York City.

Tanging malalapit na kaibigan at pamilya lamang ng dalawa ang dumalo sa kanilang civil wedding sa NYC.

Halos dalawang taon nang engaged ang dalawa pero kamakailan lang ito inanunsyo ng aktres sa publiko.

“It just felt right. Tinawagan ko nga ‘yung mom ko, sabi ko sa kanya, pinost ko na ‘yung engagement sa Instagram. And she said congratulations,” kwento ni Yam nang tanungin ukol sa kanilang engagement.

“Noong pinost ko ‘yun, feeling ko na-engage kami ulit. Parang it felt new again to us,” dagdag niya.