Xyriel nagpa-tattoo sa gilid ng dibdib; hinangaan ng fans

BUMILIB ang publiko sa tapang ng Kapamilya actess na si Xyriel Manabat na nagpa-tattoo ng stingray sa gilid at ilalim ng kanyang kaliwang dibdib.

Sa Instagram, shinare ng tattoo shop ang clip ng proseso.

“We are honored to ink a stingray tattoo for the talented @xyrielmanabat_,” sey nito sa caption.

Napanganga naman ang ilang fans sa katapangan ni Xyriel na tila walang nararamdaman na sakit habang tinatatuan.

“Awesome. Masakit sa part na yan mag pa ink.”

“Sakit nyan pero ang gandaaaa.”

“Angas mo na talaga idol.”