TINALAKAN ng Thailand-based social media personality na si Xian Gaza ang mga miyembro ng Pinoy pop group na BINI na nagrereklamong dinudumog sila ng mga fans sa mga pampublikong lugar.
Punto ni Xian, dapat mag-adjust ang mga BINI members dahil trabaho nila ang pag-eentertain ng fans.
“Ilang taon kayong naghahangad sumikat pero walang pumapansin sa inyo. Ngayong 2024 lang kayo nakakuha ng matinding break tapos magrereklamo na agad kayo kasi dinudumog kayo ng mga fans habang nasa pampublikong lugar?” ani Xian.
“Mga Ate, public figure na kayo ngayon. Sobrang sikat na kayo that’s why yung mga fans ninyo ay nai-starstruck tuwing nakikita kayo. Kung gusto niyo pala ng personal space at privacy eh huwag kayong tumambay sa labas,” dagdag niya.
Dugtong ni Xian, “Hindi sila yung dapat mag-adjust. Kayo ang dapat mag-adjust. Kung gusto niyo pala ng payapang buhay eh huwag kayong kumain sa mga mumurahing restaurant. Huwag kayong pumunta sa mga public space na maraming ordinaryong Pilipino para hindi kayo dinudumog at napeperwisyo. Imagine, papunta palang kayo sa peak ng inyong mga karera tapos mag-aattitude na kayo ng ganyan? Paano maco-convert into fans club yung ibang Pilipino kung ganyan na agad kayo? Hanapbuhay niyo yan eh. Pinasok niyo yan. Ginusto niyo yan. Panindigan niyo.”
“Alam ko mga Generation Z kayo kaya napakaimportante sa inyo ng personal boundaries. Nauunawaan ko yun. But it doesn’t work that way sa loob ng industriya. Being a famous personality comes with great responsibility that’s why yung mga sikat na Pilipino na gusto ng tahimik na buhay eh nag-migrate na lang sa abroad,” hirit pa niya.