Xian inokray BINI members; fans rumesbak 

MULING pinintasan ng social media personality na si Xian Gaza ang itsura ng ilang miyembro ng Pinoy girl group na BINI.

Sa kanyang social media post, sinabi ni Xian na isa lang ang maganda sa “Pantropiko” hitmaker.

“Yung Aiah napakaganda ng mukha. Yung Sheena so sexy ng katawan. Yung Mikha naman magaling mag-makeup. The rest ay mabait at may mabuting kalooban,” aniya.

Binalikan naman siya ng mga nanggigigil na fans na sinabing hindi rin naman kagandahan ang girlfriend niyang Thai.

Dagdag ng mga Blooms: “Cloutchaser Xian Gaza walang ibang ginawa kundi mag-clout.”

“Wla kase syang ma issue now, gusto lageng relevant. Ewan ko pano sya nabubuhay sa mundong puro nega fine-feed sa sarili nya.”

“Papansin na naman masyado wala na kasi machismis kaya sumasabit sa bini.”

Deadma naman si Xian sa mga patutsada ng fans ng BINI. “Hindi ko na po kailangang magpasikat. Matagal na po akong sikat. Xian Gaza po,” sey niya.

Idinagdag niya na walang masama sa sinabi niya ukol sa girl group. “Kung babasahin niyo ng dahan-dahan yung status eh lahat naman pinuri ko nagagalit kayo diyan eh wala naman akong nilait at all puro compliment nga eh,” paliwanag niya.

Matatandaan na noong April ay tinawag ni Xian na “pangit” ang karamihan sa mga miyembro ng BINI. “May dalawang maganda sa BINI. Pangit na lahat,” pahayag niya sa Facebook post.