Xian Gaza kay AiAi: Tikim tikim na lang

PINAYUHAN ng businessman at social media personality Xian Gaza ang komedyanang si AiAi delas Alas na hiniwalayan kamakailan ng asawang si Gerald Sibayan.

Sa Facebook post na may titulong “Open letter to AiAi delas Alas,” sinabi ni Xian na nakikiramay siya sa sinapit ng 10-taong relasyon ng Kapuso star at mister nito.

“Ganyan po talaga ang buhay, matapos kang gamitin para umasenso sa life at magkaroon ng green card sa US, iniwan ka na lang basta-basta noong ikaw ay senior citizen na,” hirit ni Xian.

Dugtong niya: “Ayaw na po niya sa matanda kaya ngayon ay ipinagpalit ka sa mas bata. Ang importante po ay naging masaya ka sa piling niya for the last 10 years. Time will heal you, Madam.”

Pinayuhan ni Xian si AiAi na huwag na munang makipagrelasyon.

“Huwag ka na pong magpauto ulit ha? Enjoyin mo na lang po yung buhay single mo. Fling fling na lang. Tikim tikim na lang. Huwag ka na pong magpagamit ulit sa mga kaedad namin dahil pera lang po ang habol namin sa matatanda. Sayang lang po yung feelings, pera at oras na i-invest niyo sa amin,” wika pa ng Thailand-based entrepreneur.

Inurirat din ni Xian kung may nabuntis ba si Gerald kaya siya iniwan nito. “Wait mo na lang na i-reveal yung bata next year,” chika niya.

Sa kabila ng pagmamarites, umaasa naman si Xian sa mabilis na pag-move on ng komedyana.

“Praying for you Madam Ai-Ai and God bless po sa bagong chapter ng iyong buhay,” sabi niya.