Willie Revillame nadulas? Coco and Julia may mga anak na

NADULAS nga ba si Willie Revillame sa pagkumpirma na ang magpartner na sina Coco Martin at Julia Montes ay may mga anak na?

“Coco, salamat ha. Mabait, sobrang bait nitong si Coco Martin. To Coco, Julia, at ‘yung mga anak niyo, pamilya mo, salamat Coco at noong Holy Week, magkasama tayo,” pahayag ni Willie sa bagong kabubukas lamang niyang show na “Wil to Win” nitong Linggo.

“Sana dumating ang time na maging guest mo ko sa ‘Batang Quiapo.’ Bibigyan na lang kita ng jacket.”

Dahil dito, muling umugong ang mga balitang may anak na nga sina Coco at Julia, na noon pa man ay isang balita na walang kumpirmasyon mula sa dalawa