Willie: John Lloyd burnout kaya lumayas sa showbiz

IBINAHAGI ni TV host Willie Revillame na na-burnout ang aktor na si John Lloyd Cruz kaya nilayasan nito ang mundo ng showbiz.

“Gusto ko lang batiin ‘yung kaibigan nating si John Lloyd. Kagabi kasama ko siya, nasa Puerto Galera kami. Nagkuwentuhan kami sa buhay. Tinanong ko siya, ‘Bakit ka ba huminto?’ Maganda ‘yung mga rason niya eh,” chika ng host.

Kwento ni Willie, sinabi raw ni John Lloyd sa kanya na napagod siya sa araw-araw na puro shooting na lang ang ginagawa.

“Burnout ka na. Ito na lang po ginagawa ko araw-araw. ‘Pag gising ko, shooting. ‘Pag tulog ko, ‘pag gising ko, shooting.’ ‘Yun bang binigyan niya ng halaga ‘yung sarili niya. Dapat ganyan din tayo eh,” kwento ni Willie.

Pero kumpirmado na babalik na sa showbiz si John Lloyd.

“Nagkita sina #Wowowin host Willie Revillame, Direk Bobot Mortiz, at ang aktor na si John Lloyd Cruz… At mukhang may dapat abangan soon!” ayon sa Instagram post ng GMA network.