What a Feeling’ singer na si Irene Cara pumanaw

PUMANAW na ang American singer-composer at aktres na si Irene Cara na nakilala sa kanyang titel track film na Fame noong 1980; at co-writer at singer sa smash hit na Flashdance…What a Feeling na nagbigay sa kanya ng panalo sa Oscar at Grammy. Siya ay 63.

Ayon sa kanyang publicist, namatay ang singer-actress sa kanyang bahay sa Florida. Bagamat hindi tinukoy ang dahilan nito.

Ipinanangak sa Bronx, New York noong 1959. Ang kanyang ama ay Puerto Rican habang ang ina ay Cuban-American.