NAGPAHAYAG ng galak ang young actor na si Sandro Muhlach matapos sumampa sa korte ang mga kasong rape through sexual assault at acts of lasciviousness laban sa dalawang GMA-7 independent contractors na umano’y nang-abuso sa kanya.
Sa statement, nagpasalamat si Sandro dahil pinanigan ng hustisya ang katotohanan.
“It was very difficult for me to tell my story to come forward and tell the public that I was sexually assaulted and abused,” umpisa ng aktor.
“Yung mga kinakatakutan mangyari ng mga biktima, nangyari sa akin. In addition to the trauma that I suffered from being sexually assaulted and abused, I also had to endure online bullying and harsh and cruel criticisms. Napakadaming masasakit na salita ang sinabi tungkol sa akin, at pinipilit na ako pa raw ang nagsisinungaling dahil wala akong ebidensya,” pagsisiwalat niya.
Gayunman, sinabi ni Sandro na hindi siya nawalan ng pag-asa.
“And finally, our justice system has acknowledged the truth,” wika niya.
Pinayuhan niya ang mga kagaya niyang biktima ng pang-aabuso na huwag matakot na isiwalat ang katotohanan.
“For all the rape and sexual abuse victims out there, ‘wag nating hayaang manalo ang mga nagsamantala at bumaboy sa atin. ‘Wag nating hayaan na patahimikin nila tayo. Tayo ang biktima. Tayo ang inabuso. Tayo rin ang papanigan ng katotohanan,” sabi ni Sandro.