Vina Morales, Afam BF break na

ISINAPUBLIKO ng singer-actress na si Vina Morales na hiwalay na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Andrew Kovalcin.

Inamin ni Vina sa isang panayam na “single” na uli siya.

“Wala na kami. I’m back to being single, ready to mingle,” pahayag ni Vina.

Itinanggi naman niya na naghahanap siyang muli ng bagong mamahalin.

“Hindi ko na masyado pinu-push ‘yun sa buhay ko. Hindi na siya priority, kasi before nalulungkot ako ‘pag wala akong lovelife,” sey niya.

“Pero ngayon, may dumarating, nawawala. So, ibig sabihin, wala pa rin talaga. So, hindi ko na pinipilit,” dugtong niya.

Hindi na idinetalye ni Vina ang ugat ng hiwalayan nila ni Andrew.