Vice pangarap makita ng fan na may cancer

MAY wish ang isang cancer patient na taga-Cebu: ang makita at makausap kahit sandali ang idolo niyang si Vice Ganda.

Sa TikTok video, sinabi ng pasyente, na naka-confine sa ospital, na mayroon siyang stage 4 cancer na kumalat na sa iba pang bahagi ng kanyang katawan.

Pahayag ng pasyente na sana ay umabot kay Vice ang kanyang hiling. Mensahe niya sa “It’s Showtime host”:  “Hi Idol. “Idol kita kase hindi ka pumipili ng tao. Hindi ka pumipili ng tutulungan. Vice, punta ka dito, magkita tayo.

“Kase gusto kita makita, gusto ko ma-feel na totoo ka. May cancer ako na nag-spread sa four major organs.

“Isa sa mga organs ay sa brain.” Bukod sa makita, sinabi ng pasyente na sana ay tulungan siya ni Vice na magdasal. “I love you, Vice,” dugtong nito.