Vice Ganda punuri si Maris, Anthony

NANINIWALA si Vice Ganda na makatutulong sa kanyang Metro Manila Film Festival entry na “And The Breadwinner Is…” ang controversial couple na sina Maris Racal at Anthony Jennings.

Sey ni Vice kay Maris: Magaling naman talaga si Maris, she is very talented. Hindi natin pwedeng i-discount or i-disregard yun. Talented talaga si Maris.”

“Si Anthony Jennings naman hindi natin pwedeng i-deny na meron din siyang kakaibang brilyo kapag pinapanood n’yo sa screen,” dagdag niya.