Vice Ganda inokray ng fans ni Julie Anne San Jose

PINUNA ng mga fans ni Julie Anne San Jose si Unkabogable Star Vice Ganda dahil sa umano’y pagpapasaring nito sa singer-actress.

Sa “Tawag ng Tanghalan” segment ng “It’s Showtime” kamakailan ay pinuri ni Vice ang isang contestant dahil sa ganda ng boses nito.

“Ang ganda ng boses. ‘Pag narinig mo, parang Linggo,” sey ni Vice.

“Ano’ng kinakanta sa simbahan? ‘Dancing Queen’? Charot! Charot lang, kayo naman! Sinasakyan ko lang mga eksena n’yo, mga trip n’yo!” dagdag niya.

Matatandaan na higit isang linggo na ang nakalilipas nang ma-bash si Julie Anne sa pagkanta nito ng “Dancing Queen” sa loob ng simbahan sa Mamburao, Mindoro Oriental.

Hirit tuloy ng mga supporters ni Julie Anne:

“Pang stand up comedian pa rin ang jokes niya. Hindi na siya grumadweyt.” 

“Ang hilig niya to take a swipe, tapos sa huli sasabihin niya na “charot” para sabihing it’s all a joke pero sa true lang, offensive ang jokes niya.”

“Actually, ang bully ni Meme. Pero nagagamit niya ang kanyang pagiging comedian niya to get away sa mga pa-shade niya.”

“Bakit hindi na lang niya pag-usapan ang tungkol sa mga politikong walang ambag. Takot ba siyang masilip ang kanyang dyowang kumakandidato?”