Vice Ganda gusto ng anak pero…

ISINIWALAT ni TV host-comedian Vice Ganda na gusto niyang magkaroon ng anak pero ayaw niyang maging tatay.


“Ayokong maging tatay. I want to be a parent,” ani Vice sa panayam ni Ogie Diaz.


“Diyos ko, baka maguluhan ‘yung bata, ganito ako. I just want to be a parent. Neutral, walang gender,” dagdag niya.


Kuwento niya na noong pinipilit siya na bumuntis ng babae para magkaroon ng sariling anak ay kinilabutan siya.


“Baklang-bakla ako nang todo ‘di ba? Tapos hindi talaga sumasagi sa kahit anong bahagi ng utak o ng kamalayan ko ang pagkakaroon ng anak. Diring-diri talaga ako kasi hindi ko nakikita ‘yung sarili ko na mag-aanak,” paliwanag niya.


Kahit hanggang ngayon ay wala sa isip niya na magkaroon ng sariling anak.


“Happy na ako na meme-memehan ako ng napakaraming tao. Pero ‘yung totoong sa akin, hindi ko talaga naaano,” dagdag ng box-office superstar. –A. Mae Rodriguez