Vice Ganda dismayado sa Miss Universe 2024

SUNOD-sunod ang tweet ni Unkabogable Star Vice Ganda sa ginanap na Miss Universe 2024 coronation night sa Mexico kung saan lumaban ang pambato ng Pilipinas na si Chelsea Manalo.

Unang napansin ni Vice ang pagiging malikot sa stage habang nagbabasa ng spiel ang host na si Olivia Culpo.

“Olivia puyat ako at nakainom. Baka pwedeng wag masyadong malikot hinihilo moko ats! Relax! Go Chelsea!” talak niya.

Sumunod naman ay pinuri niya ang pagrampa ni Chelsea sa swimsuit round ng pageant.

“Ayan ganyan Chelsea! Gusto ko yang rampang parang may pinapahid ka sa gutter. Laban!”

At nang hindi matawag ang pangalan ni Chelsea sa semi-finals, chika ng “It’s Showtime” host: “Ahhh ehhhh. Ok. Bye. Zzzzzzzzzzzzzzzz!…Thanks Chelsea! Have a safe flyt back home!”

Nag-joke rin si Vice na baka may “hokus pokus” ang timpalak dahil sa suot ni Catriona Grey, isa sa mga backstage host.

“Natatakot ako baka cooking show tong Miss U! Naka apron si Catriona e,” sabi niya.

Tila hindi naman nakuntento si Vice sa presentasyon ng koronasyon.

“Lasing at puyat lang ba ko o talagang ang panget ng presentation nitong #MissUniverse2024???” sambit niya.