Vice Ganda di pa handa magkaanak

BUSY as a bee pa rin si Vice Ganda kaya hindi pa raw siya handang pasukin ang mundo ng pagiging isang magulang.

Ayon sa actor/comedienne, as this time, ay wala pa talaga siyang planong magkaanak at ni pag-usapan ang isyung ito ay hindi nila natatalakay ng kanyang boyfriend na si Ion Perez.

Chika pa ni Vice, ni hindi niya na masyadong nakakausap ang boyfriend dahil sa sobrang pagkaabala sa trabaho.

“Paano ko siya haharapin ngayon? I need to be okay. I need to make myself okay before I become a parent. Paano ka magiging parent kung sobrang busy ko. Si Ion nga ‘di ko na nakakausap,” chika ni Vice.

Samantala, naikwento noon ni Vice na gusto na ng kaniyang Nanay Rosario na magkaroon ng apo mula sa kanya.

“Kanino mapupunta ito? Kami nama’y patanda na. Maliban doon sa dalawang pamangkin mo. Pero iba talaga, anak, ‘yung may sarili ka. Kaya nga nung si Joel Cruz, nung nabalitaan ko, sabi ko, ‘Ay naku sana si Tutoy ganito rin. Ang ku-cute ng mga anak,” pahayag ng ina ni Vice.