NAKATAKDANG sampahan ng kaso bukas, January 9, ni TV host-actor Vic Sotto ang direktor na si Darryl Yap kaugnay sa pelikula ng huli ukol sa buhay ng namayapang aktres na si Pepsi Paloma.
Ayon sa ulat ng News 5, ihahain ang kaso sa Muntinlupa City Regional Trial Court.
Nag-ugat ang kaso sa pagbanggit sa pangalan ni Sotto sa teaser ng pelikulang “The Rape of Pepsi Paloma” na isinulat at idinirek ni Yap.
Si Pepsi ay isa sa mga “Softdrinks Beauties” noong 1980s kasama sina Sarsi Emmanuelle at Coca Nicolas.
Aprubado naman sa netizens ang hakbang ni Bossing dahil maapektuhan ang career nito, partikular ang mga endorsements.
“Cge Bossing demanda mo ang bastos na yan para madala hingan ng 100M na moral damages.”
“Sana makulong yang direktor na yan. Masyadong maangas dapat tanggalan ng angas sa katawan.”
“Tama naman. Idaan sa legal. Let’s see kung hanggang saan tapang ni Yap.”
“Andami pa naman endorsement ni bossing na pwedi maapektuhan.. Alangan naman wala syang gawin db?”
“Tama yan, very damaging naman talaga yung trailer. Whatever the ending of that movie is, some people won’t look past beyond that trailer. Not to mention andaming very gullible people online.”