KUNG si Vic Sotto ang tatanungin, payag siyang sundan pa ang bunsong anak nila ng misis na si Pauleen Luna.
Sa isang panayam, sinabi ni Vic na aprub siya sa posibilidad ng “baby number three” pero nakadepende ito kay Pauleen.
“Ewan ko kung kaya pa ni Pauleen,” sey ng TV host-actor.
“Ako, kaya pa. Ewan ko sa kanya, tanungin n’yo,” dagdag niya.
Ngayong buwan ay ipadlgdiriwang ng kanilang bunsong anak na si Mochi ang unang kaarawan nito.
“Ang bilis nga ng panahon. And we’re so thankful to God that we’re healthy, very beautiful baby, at medyo nakakatayo na. Nakakatayo na nang mag-isa niya, pero mga two seconds lang, bagsak ulit,” pahayag ni Vic.
May isa pang anak sina Vic at Pauleen, ang pitong-taong-gulang na si Tali.
Ayon sa “Eat Bulaga” host, bahala na ang Diyos kung masusundan pa si Mochi.
Gusto ba niyang magkaroon ng bunsong lalaki?
“Okay na, ang dami kong apong lalaki, ang gugulo. Anak ni Oyo, limang lalaki. Tapos si Danica, may dalawang lalaki. Pag nasa bahay, parang may riot parati sa bahay namin ‘pag nandu’n ‘yung mga apo kong lalaki,” kuwento niya.
“Okay na sa akin ang mga babae, they’re very sweet, they’re very malambing. I always look forward to going home kasi tanggal lahat ang pagod ko sa trabaho ‘pag nakita mo na ‘yung mga anak mong mababait,” chika pa ni Vic.