Vic Sotto, Pauleen Luna expecting another baby girl

IT’S a girl!

Inanunsyo nina Pauleen Luna at Vic Sotto na baby girl ang kanilang magiging anak sa gender reveal party na ginanap nitong Martes.

Ayon kay Pauleen, na sagot sa panalangin ang kanyang ipinagbubuntis.

“God knows we’ve been praying for this for a long time,” sabi niya.

Nagpasalamat naman siya kina Danica Pingris at Joy Sotto na nagpasimuno ng party.

“This gender reveal was sooo fun and so creative, I still can’t get over it,” aniya.

Congrats, Pauleen and Bossing!