TRENDING ngayon ang teaser ng pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma” matapos mabanggit ang pangalan ng komedyanteng si Vic Sotto.
Sa trailer, galit na galit na kinompronta ng aktres na si Gina Alajar na gumanap na si Charito Solis, ang gumanap na Pepsi Paloma, at tinanong kung ni-rape umano siya ni “Vic Sotto”.
Isang malakas na “oo” naman ang sigaw ni Pepsi.
Ang pelikula ay gawa ng kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap.