WALANG inirekomendang piyansa ang Taguig City Regional Trial Court Branch 69 sa TV host-actor na si Vhong Navarro para sa kasong rape na isinampa laban sa kanya ni Deniece Cornejo.
Nitong Lunes ng hapon ay naglabas si Judge Loralei Cruz Datahan ng warrant of arrest laban kay Navarro.
Bago ito, sumuko sa National Bureau of Investigation para maglagak ng P36,000 piyansa si Navarro para naman sa kasong acts lasciviousness na isinampa rin ni Cornejo.