IPINAGPILITAN ng content creator na si Vanessa Raval na anak siya ni Jeric Raval kahit pa inihayag ng action star na anak siya ng pinsan nito.
Sa TikTok video, iginiit ni Vanessa na hindi raw siya itinanggi ni Jeric.
“Hello! May kumakalat na tsismis na naman, na hindi raw ako anak ng tatay ko.
“So, ganito lang po sasabihin ko, panoorin n’yo po ‘yung interview ng tatay ko kay Ogie Diaz. Kasi may kumakalat na articles, mga fake news, na sinabi raw doon ng tatay ko na hindi niya ako anak.
“Hindi po ako itinanggi ng tatay ko… ang sinabi lang po niya is ‘Let’s not talk about her.
“Kung ako ‘yung magulang at may ginawang ganoon yung anak ko, talagang nakakahiya ‘yun, kaya sasabihin ko na rin na ‘let’s (not) talk about her’,” ani Vanessa.
Ang pinatutungkulan niya ay ang post niya sa Facebook kaugnay sa rapper na gusto siyang maka-date. Kinalaunan ay inamin niya na scripted lang ito.
Ipinagpilitan din niya na kapatid niyang buo ang sexy actress na si AJ Raval.
“Si AJ, hindi ko po siya half-sister, magkapatid po talaga kami. Mahal na mahal ko po ang mga kapatid ko, lahat po sila mahal ko,” sey ni Vanessa.
Hindi rin umano totoo ang chika na anak siya ng pinsan ni Jeric.
“Hindi po totoo yun. Hindi po totoo yun, wala pong ganu’n. Marami pong beses na na-interview ang tatay ko na nag-name drop siya kung sino ang mga anak niya, lagi po akong kasali du’n.
“Ngayon lang po talaga sensitive ang tatay ko, dahil nga sa mga nangyayari. Nagalit yung tatay ko sa ginawa ko, pero never akong itinanggi nu’n.
“Actually, kausap ko siya ngayon, sabi ko, ‘Bakit ganun?’ Fake news nga, wala siyang sinabi.
“Ilang beses na pong binanggit ng tatay ko na lima po ang anak niya sa mommy ko,” sabi ni Vanessa.