IBINUNTON ng sisi ng TAPE Inc. ang pagsasara ng noontime show nitong “Tahanang Pinakamasaya” kina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.
Sa ulat ng news website na Bilyonaryo, pinulong ni TAPE President at Chief Executive Officer Jon-jon Jalosjos ang mga empleyado nito para ihayag na ang March 6 episode ng “Tahanang Pinakamasaya” ang huli na nitong pagtatanghal.
Isa aniya sa dahilan ng pagkalugi ng kumpanya ang malaking halaga na inilabas nito para bayaran ang early retirement package ng ilang mga executives.
Lalo rin silang nalugmok nang lumayas ang TVJ, ang mga original host ng “Eat Bulaga.”
“Last year, alam n’yo naman ‘yung nangyari na hindi dapat nangyari– iniwan tayo ng kasama natin e. Before ako pumasok dito at nag-decide ang Jalosjos family na makialam na, nakita na namin sa mga reports na palaki nang palaki ang diperensya ng paggastos at ng income — in short, nalulugi,” pahayag umano ni Jalosjos.