True ba, Anne P25M per movie, P450K per day sa ‘It’s Showtime’?

ANNE 14M

UMAABOT umano sa P1.6 billion ang networth ni actress-host Anne Curtis dahil sa laki ng kinikita nito sa movies, TV hosting at endorsements.

Ayon sa veteran showbiz columnist na si Erlinda Rapadas, P25 million ang asking price ni Anne per movie.

Samantala, nasa P450,000 ang talent fee ng aktres per day sa “It’s Showtime,” na halos kapantay na ng bayad kay Vice Ganda, dagdag ni Rapadas.

Milyones din ang bayad kay Anne sa kanyang mga endorsements, gaya ng Jollibee, Vivo, Whisper, BLK Cosmetics, L’Oreal, Smart, at SMDC, chika pa ng kolumnista.

“Pero marunong mag-share ng kanyang blessings ang aktres. May mga charitable institutions siyang tinutulungan bukod pa sa personal na tulong sa mga taong lumalapit sa kanya. Hindi nga lang niya ito inilalabas sa social media,” ani Rapadas sa kanyang kolum.

“Sosyal lang tingnan si Anne pero mabait, humble at matulungin, may soft spot siya sa mga mahihirap,” dagdag niya.