Tom babalik sa US para sa anak?

KUMALAT nitong weekend ang blind item ukol sa isang aktor na nabuntis ang kanyang girlfriend na naiwan sa US.

Haka-haka ng mga marites sa social media na si Tom Rodriguez ang bida sa nasabing chika.

Ayon sa blind item, nabuntis umano ng isang gwapong aktor ang non-showbiz girlfriend nito sa US bago ito bumalik sa Pilipinas. Nakatakda raw lumipad pa-US ang aktor para bisitahin ang GF na manganganak na.

Boy raw ang gender ng first baby ng aktor, sabi pa sa chismis.

Masaya rin daw ang mga kaibigan ng aktor para sa kanya lalo pa at hindi naging madali ang pinagdaanan niya nitong nakaraang mga taon.

Dagdag pa sa BI, hindi raw itinatago ng aktor na nakabuntis siya kaya abangan na lang daw natin ang announcement nito. Babalik din agad ito sa Pilipinas dahil may tinatapos itong proyekto.

Sey ng mga marites, lahat ng clue ay tinutumbok si Tom dahil ilang buwan itong nanatili sa US matapos ang hiwalayan nila ng ex-wife na si Carla Abellana.

Bukas ang PUBLIKO sa panig ni Tom.