TikTok inalis ban sa BINI members

TINANGGAL na ng TikTok ang ban sa account ng pitong miyembro ng girl group na BINI.

Kaugnay nito, humirit ang Blooms, ang fanbase ng BINI, na i-verify na ang account ng lahat ng miyembro ng grupo upang hindi na maulit ang pangyayari.

Nitong Sabado ng umaga ay nadiskubre ng Blooms na na-ban ang TikTok account nina Aiah, Colet, Maloi, Stacey, Gwen, Mikha, at Sheena.

Hindi naman naapektuhan ng ban ang account ni Jhoanna, ang leader ng girl group.

“We have already reached out to TikTok to request their assistance in recovering the banned accounts,” ayon sa naunang pahayag ng BINI management.

“Additionally, we have been in constant communication with them regarding the verification of BINI’s TikTok profiles,” dagdag nito.

Noong isang linggo ay ipinagdiwang ng BINI anflg kanilang ikatlong anibersaryo.