TODO-flex si Willie Revillame na ang fitness trainer niya ay ang sports occupational therapist ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo.
Ibinalandra ni Willie sa kanyang Facebook page nitong Linggo ng gabi ang photo nila ni Hazel Calawod na namimili ng mga gym equipment.
Caption ng “Wil to Win” host: “Umpisa na para ma-kundisyon ang health ng mind and body ko for a commitment.
“With Coach Hazel Calawod the personal trainer of Olympic Gold Medalist Carlos Yulo,” dagdag niya.
Kamakailan ay naghain si Willie ng Certificate of Candidacy (CoC) para sa pagkandidato bilang independent senatorial candidate sa midterm elections sa 2025.