Taga-showbiz kumampi kay Neri Naig

INULAN ng suporta mula sa mga artista ang mag-asawang Neri Naig at Chito Miranda makaraang maaresto at makulong ang dating aktres dahil sa patong-patong na kaso.

Matatandaan dinakip ng pulisya si Neri sa isang mall sa Pasay City noong November 23. Hanggang ngayon ay nakadetine ito dahil isa sa mga kaso, ang syndicated estafa, ay non-bailable.

Kaugnay nito ay nag-post ng mensahe si Chito para ipagtanggol ang asawa na inilarawan niya na “sobrang bait…as in sobra.”

Inulan naman ang post ng mga mensahe ng pagsuporta mula sa mga taga-showbiz.

Ani Joross Gamboa:  “Malalagpasan ninyo ang pagsubok na eto in Jesus Name.’

“Alam naming mabuting tao si Neri,” sabi ni Rita Avila.

“Praying with you Kuya. This is so heartbreaking,” segunda ni Donnalyn Bartolome.

Sambit ni Marissa Sanchez: “Grabe nmn!!! Praying for u Neng @mrsnerimiranda everyone knows ur heart! This too shall pass.”

Kabilang naman sa nagkomento ng praying hands emoji sina Ogie Alcasid, Patrick Garcia, Barbie Imperial, Isabel Oli, Bianca Manalo, Max Eigenmann at Jugs Jugueta.