MAY pakiusap ang aktres na si Sunshine Cruz sa mga netizens na hindi gusto ang klase ng kanyang pananamit.
Sa Facebook, umapela siya sa mga bashers ma i-unfollow siya para sa ikatatahimik ng buhay ng mga ito.
“Wearing clothes that make us feel pretty, confident and happy is never a sin. Sa mga kababaihan at kalalakihan who still believe na may category ayon sa edad ang pananamit, pasensya na po, I will not let any of you control or change the way I am,” sey ni Sunshine.
“I love dressing up. I love wearing my own creations na crochet tops. I enjoy going to the beach with my children, so expect to see more of me dito sa aking sariling Facebook page. If my posts or my/our clothes bother you, kindly unfollow po for your own peace of mind,” dagdag niya.