HAPPY ang actress-model na si Sunshine Guimary sa desisyon niyang magpatapyas ng dibdib dahil gumaan ang kanyang pakiramdam.
Sa Instagram video, ni-reveal ni Sunshine na sumailalim siya sa breast reduction surgery kamakailan.
Kuwento ni Sunshine, na isa ring content creator, hindi na siyan kumportable sa bigat ng kanyang mga “girls” kaya pinabawasan niya ang mga ito.
“I had bad health. The good news lang is kinontrol nila ‘yung bigat and laki, so don’t worry I still have boobs,” chika niya.
Makaraan ang surgery, magaan na aniya ang kanyang pakiramdam. “I feel the lighter of my body. So now, I want to be as normal as normal,” dagdag niya.