Sugal? Choice mo ‘yan — Nadine Lustre

NIRESBAKAN ng aktres na si Nadine Lustre ang netizen na pinuna ang ginawa niyang pag-eendorso ng gambling app sa social media.

Sa Threads ay tinanong ni Nadine ang kanyang mga fans kung ano ang plano ng mga ito ngayong December.

Isang dalahirang netizen ang sumagot ng “magsugal” na patama sa pagiging brand ambassador ni Nadine sa isang online casino na “BigWin 29.”

Hindi naman ito pinalagpas ng aktres at sinabing “Choice mo yan.”

Hindi ito ang unang beses na pinatsudahan ng mga netizens si Nadine sa ginawa niyang pagpo-promote sa online sugal.

Sa dami ng kumuyog sa kanya ay napa-react ang social media personality na si Xian Gaza.

“Nakasira ba siya (Nadine) ng pamilya by doing one promotional post? Hell no. Yung maglalaro lang diyan ay yung mga taong lulong na rin sa ibang platform kagaya ng Casinyeam. Kinakapos yung tao financially kaya dumidiskarte siya sa buhay sa marangal na paraan tapos iba-bash niyo pa at dudurugin ang mental health? Grabe naman kayo,” sey ni Xian.