Struggle is real: Angel, Neil di alam kung saan titira, sa condo o mansion

IPINASILIP sa publiko ang bahay ng newly weds na sina Angel Locsin at Neil Arce.

Ayon kay Angel, regalo ito ng pamilya ni Neil sa kanilang mag-asawa. Aniya, ayaw sana nila itong tanggapin dahil ayaw naman nilang umasa sa iba.

“In-offer ito ng family ni Neil. Ayaw sana namin tanggapin. Syempre nakakahiya. Ayaw namin umasa pero only child ang asawa ko,” chika ni Angel.

“Sobrang laking ginhawa at tipid namin sa mga bagay. Medyo old house siya. Ni-renovate lang namin kaunti,” dagdag naman ni Neil.

Muntik na umano silang tumira sa condominium dahil nahirapan silang pumili ng bagong bahay.

“Ang tagal naming naghanap. Syempre kailangan komportable kami. Okay sa locations ng trabaho namin. Kaya ng budget,” kwento ni Angel.

Samantala, silang mag-asawa lamang ang nag desenyo ng kanilang bahay at hindi sila kumuha ng interior designer.

Nakapukaw din sa atensyon ng manonood ang mga alagang sisiw ni Angel kung saan pinangalanan niya itong Anne, Bea at Angelica na kapangalan ng mga kaibigan niya sa showbiz.