IPINAGTANGGOL ni Jeon Cyrus ang sarili sa mga netizens na bukod sa nilalait ang itsura niya ay sinisisi rin siya sa muling pagbuhay sa pamba-bash sa kanyang ini-impersonate na si Stell Ajero ng Ppop group na SB19.
Sa Facebook post, sinabi ni Jeon na sumali siya sa “Kalokalike” segment ng “It’s Showtime” dahil gusto niyang i-share ang kanyang talent sa publiko.
“I did my very best to give everyone a great show through my talent. But please, stop accusing me of fueling the fire that might bring more negativity towards Kuya Stell,” aniya.
Pagkaklaro ni Jeon, inihanda na niya ang sarili nang tanggapin ang alok ng “It’s Showtime.”
“I’m quite sensitive to hurtful words, but I prepared myself for the possibility of negative comments…[so] I’m not upset by those who laughed at my appearance. Of course, our main goal at Showtime was to bring laughter and good vibes to everyone.”
Pero ang ikinakasama umano ng loob niya ay ang sinabi ng ilang fans na dahil sa paglabas niya sa noontime show ay muling bubuhos ang hate kay Stell.
“It’s painful to read comments blaming me, saying that Kuya Stell will receive more hurtful remarks because of my appearance and nakakahiya daw sa fandom, with some even suggesting I shouldn’t have participated,” wika niya.
Pakiusap niya sa mga netizens: “Please, stop accusing me of fueling the fire that might bring more negativity towards Kuya Stell.”