Spider-Man: No Way Home’ big hit sa US; nanganganib sa Pinas

HINDI na mapakali ang mga fans ni Spider-Man dahil posibleng mabalam ang pagpapalabas ng bagong pelikula na “Spider-Man: No Way Home” ngayon na ibabalik ang Metro Manila sa ilalim ng Alert Level 3.

Ayon sa reports tumatabo sa takilya ang pinagbibidahan ni Tom Holland sa US matapos itong makapagtala ng $15.4 million nitong Biyernes lamang habang ang total domestic sales nito ay umabot na sa $572.6 million simula nang ipalabas ito noong Disyembre 17.

Ito na raw ang pinaka highest-grossing film of all time ng Sony Pictures.

Kasama ni Holland sa pelikula si Benedict Cumberbatch, Zendaya at Jacob Batalon.

Nakatakda sanang ipalabas sa Philippine cinema ang Spider-Man sa Enero 8.