PINASALAMATAN ni The Voice USA Season 26 winner Sofronio Vasquez ang “It’s Showtime” kung saan aniya nahasa nang husto ang kanyang talento sa pagkanta.
Matatandaan na tatlong beses na sumali si Sofronio sa Tawag ng Tanghalan (TNT), ang singing contest ng It’s Showtime, pero hindi siya pinalad na manalo.
Sa kabila nito, sinabi ni Sofronio na, “Proud po ako na nagsimula ako sa Tawag ng Tanghalan. Kasi ang Tawag ng Tanghalan at Showtime ang unang naniwala sa akin.”
“Ang masasabi ko, sobrang laking bagay…na nakasali ako ng Tawag ng Tanghalan kasi, kumbaga, talagang nabatak ako, na namaos pa. Ang laking advantage. Training ground talaga,” giit pa niya.
Bago ito, inakusahan ng ilang netizens ang It’s Showtime bilang credit grabber matapos magwagi si Sofronio sa hit singing reality competition.
“Matapos ligwakin sa TNT, @itsShowtimeNa proud na proud sa pagaangkin kay Sofronio Vasquez ngayong nanalo na siya sa The Voice US.”
“Mahusay talaga sa credit grabbing ang ABSCBN kahit noon pa man.”
“Hahaha angkin na angkin ah.”
“They ignored him kaya ayan, nanalo pa sa International stage. Nasaan na ung champion during his batch?”