KINALAMPAG ng ilang netizens ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kaugnay sa madugong mga eksena sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”
Ayon sa mga nagrereklamo, ilang mga brutal na eksena, gaya ng panggagahasa sa karakter ni Shaina Magdayao, ang hindi angkop sa mga bata at menor de edad.
Sey ng mga netizens:
“Totoo hindi magandang example sa mga batang manonood.”
“Sobrang madugo.”
“Di ako sure kung ganun ba dapat ang pagpapataw ng hustisya.”
“Grave ang violence at brutal na pagpatay.”
“Masyado na nilang ginawang fictional ang mga eksena yung tipong wlang na sa hulog ang mga nangyayari kung baga malayo na rin sa realidad ng buhay ang mga hugot na kaganapan.”
“Dapat di na pinanonood yan!”
“Buti na lang mga pamangkin ko tutok sa celpon deadma yan Probinsyano sa kanila.”
Ngayong gabi matatapos ang action-drama teleserye na pinagbibidahan ni Coco Martin.
Nagsimula noong 2015, ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ang longest-running TV series ng ABS-CBN.