Sobrang saya maging ina – Angeline Quinto

KUMPLETO na ang pagkatao ng singer-actress na si Angeline Quinto sa pagsilang ng kanyang bunsong anak na babae.

Sa isang post sa social media, inilahad ni Angeline ang nararamdaman niya bilang ina at asawa.

“Today I celebrate motherhood with all my heart. Ang journey na ito ay puno ng saya, pagod, at endless love. Sobrang saya maging ina, nakakataba ng puso ang bawat yakap, bawat tawa, at bawat milestone. I love you Kuya Sylvio, I love you Sylvia,” pahayag ni Angeline.

Ipinanganak ng singer ang bunsong si Azena Sylvia noong August 18 sa isang ospital sa Taguig.

“We’re officially a family of four,” sey ng singer kalakip ang mga larawan ng kanyang pamilya na ipinost niya sa Instagram.

Matatandaang ikinasal sina Angeline at long-time partner na si Nonrev Daquina sa Quiapo Church noong April.