Skusta Clee humingi ng tawad, lalong na-bash

HINDI umubra sa netizens ang bagong paandar ni Skusta Clee, ang kontrobersyal na rapper at miyembro ng hiphop group na Ex-Battalion.


Kamakailan ay ipinost ni Skusta sa Facebook ang kanyang photo na nilagyan niya ng caption na, “Di bibilangin ang pagkakamali patawarin mo akong muli,”;hashtag na “kumpisal” at petsa na “May 13, 2022.”
Ito ang sagot ng rapper matapos lumabas ang interview sa kanyang asawang si Zeinab Harake ni Toni Gonzaga.


Sa nasabing panayam ay isiniwalat ni Zeinab ang mga detalye ukol sa kanilang paghihiwalay ni Skusta at sa pagkamatay ng kanilang anak.


Kinastigo naman ng publiko si Skusta na ginagamit ang isyu para i-promote ang kanyang bagong kanta at hindi para humingi ng tawad sa mga ginawa niya sa asawa.


“Si skuste clee ang proof na hindi lahat ng panget ay pedeng ibigin ng tunay… saluwat sa kanta ni ndrew e. na ‘humanap ka ng panget at ibigin mong tunay’.


“Lakas mo magloko ang pangit mo naman ano ka gold?”


‘Kapal ng mukha palibhasa paulit ulit pinapatawad at binibigyan ng chance.”


“Itapon mo na lalaking yan!!feeling gwapo mukha nmng inidoro!”


“Zeinab Harake do not settle for less. You deserve the best!”


“Wag mo n balikan yang palaka n yan! feeling gwapo. iresponsable nman.”