Sisi Rondina hindi kilala SB19, na-bash

HUMINGI ng paumanhin ang volleyball player na si Sisi Rondina makaraang ma-bash dahil hindi umano niya kilala ang Pinoy pop group na SB19.

Sa Independence Day event sa Busan, South Korea kamakailan ay tinanong ang mga miyembro ng Philippine women’s volleyball team kung kaninong performance ang kinasasabikan nilang panoorin.

Ilan sa mga players ang sinabi na “SB19.”

Ang chika ni Rondina: “Ay, hindi ko kilala ‘yon, Starbucks lang ang alam ko.”

Pinuna naman ng mga umano’y fans ng grupo si Rondina. 

Sa Instagram live, nagsori ang volleyball player sa mga fans na nasaktan at nagalit bagaman inulit niya na hindi talaga siya pamilyar sa mga miyembro at kanta ng SB19.

“Personally hindi ko talaga sila [kilala]. ‘Di ko alam, ba? And then tinanong ako, ‘Sino pinakahinihintay mo dito?’ And then sabi nila, ‘SB19’. Sa lahat po ng na-offend, sorry po talaga. Hindi ko po intensyon ‘yon,” ani Rondina.