IBINANDERA sa publiko ng aktres na si Sarah Lahbati ang kanyang bagong tattoo: isang pulang sili!
Sa Instagram, ibinahagi ni Sarah ang larawan ng kanyang bagong tattoo sa kaliwang braso.
Ayon sa “Lumuhod Ka Sa Lupa” actress, para sa kanyang inang si Esther ang tattoo.
“[F]or my beautiful bicolana momma & for my love for anything spicy,” caption niya. Maliban sa sili ink, mayroon ding “ZK” initials na tattoo si Sarah sa batok at lotus flower sa kanang balikat.
“I got this lotus flower which means rebirth and new beginnings and that’s all it’s been recently. Lots of blessings. Lots of new and exciting things happening for me. Sometimes, I catch myself [thinking], this is all happening all at once. [Life] has been amazing,” aniya sa isang panayam.