Sheryl Cruz ibinandera BF

FLINEX sa social media ng aktres na si Sheryl Cruz ang kanyang boyfriend na kasama niyang nagta-travel sa Istanbul, Turkiye.

Sa Facebook, shinare ni Sheryl ang mga pics nila ng guy na tinawag lang niya na “E”.

“Galeta Bridge, Istanbul with E,” caption ni Sheryl.sa isang post.

“E and Me,” aniya sa hiwalay na post. Noong July 3 ay ibinida rin ng aktres ang photo ng unang araw niya sa Istanbul kasama ang dyowa.

Ikinasal si Sheryl kay Norman Bustos, isang pulis, noong 1996 at naghiwalay sila noong March 2008.

Mayroon silang isang anak na babae.