DALAWANG linggo makaraang kastiguhin ni Sharon Cuneta si dating Presidential spokesman Salvador Panelo sa pag-awit nito sa kanyang pinasikat na kanta, humingi ng paumanhin ang Megastar sa kanyang inasal.
Sa kanyang mga social media accounts, inamin ni Sharon na nagkamali siya sa ginawa niyang pagdadamot sa kanyang kantang “Sana’y Wala Ng Wakas.”
“Though I stand by my feelings and thoughts on the matter, I would like to apologize for the words I used in my post, and to those I have hurt by them. I should have just said exactly how I was feeling, and in a more respectful manner – no matter what,” aniya.
Hindi man binanggit ang pangalan, humingi ng dispensa si Sharon kay Panelo.
“Hindi ko naman alam na meron pala siyang special child at siya ang naaalala niya sa awit ko. At balita ko, gagamitin na daw niya ito ‘to raise awareness on the needs of special children.’ Natutuwa ako na kanta ko pa pala ang magiging paraan para maisip niyang gawin yon,” paliwanag ng Megastar.
Humingi rin siya ng paumanhin sa mga fans na sumama ang loob sa kanya.
“I am also so sorry, my Sharmy/Sharonians. I disappointed you. Hindi kasi ako plastic. Bakit nga ba madaming nagsasabing plastic ako eh kaya nga ako natro-trouble sa social media ay kasi wala akong strategy at emotional ako? Even then, mali ako sa pagkakasulat ko sa post ko,” dagdag niya.
Samantala, ipinaliwanag ng singer-actress kung bakit siya nagalit kay Panelo.
“I felt slighted. Sa akin, parang minamaliit si Kiko at ang pagtakbo niya ng VP. Dahil sa dinami-dami ng kanta, bakit naman kanta ko pa ang napili? Dahil kaya Goliath ang VP candidate niya sa David kong asawa? Nasaktan ako,” aniya.
“Ang pagkakamali ko lang, sana yun mismo ang pinost ko. Pero dinaan ko sa biro at sarcasm, kaya madaming di nakaunawa,” hirit pa niya.
May natutuhan naman daw siya sa pangyayari.
“I should check myself and never act immediately when I am highly emotional. Sabi nga, do not make decisions when you are either too angry or too happy,” sabi ni Sharon.