Sharon pumila, tumaya sa lotto

SA kauna-unahang pagkakataon ay tumaya sa lotto ang Megastar na si Sharon Cuneta.

Pero sa US at hindi sa Pilipinas pumila sa tindahan ng lotto ang actress-singer-TV host.

“Was still feeling a bit weak – til now am not feeling 100% yet – but it was really nice being able to take a walk! Weather was nice. And I bought a Lotto ticket for the first time ever ako ang nagpunta sa store at pumili ng numbers!” ani Sharon sa Instagram post.

Hindi naman niya sinabi kung Powerball o Mega Millions ang kanyang tinayaan.

Samantala, ikinuwento rin ni Sharon na ang nasabing paglabas niya ng bahay ang unang beses niya simula nang magkasakit.

“The other night was my first time out since I got sick. Megateam and I had dinner at one of my favorite restaurants, Gyu-kaku, then watched Top Gun Maverick in the theater!” aniya.

Idinagdag din niya na nagpakuha siya ng larawan sa tabi ng standee ni Austin Butler na gumaganap bilang Elvis Presley sa pelikulang “Elvis.”